Mula Estero Patungong Disenteng Tahanan
Romualdez isinusulong ang P3,500 monthly rental subsidy para sa mga ISF
Milyun-milyong pamilyang Pilipino na naninirahan bilang Informal Settler Families (ISFs) ang magkakaroon na ng pagkakataong makatira sa mas ligtas na komunidad. Ito ay sa pamamagitan ng panukala ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez na naglalayong magbigay ng monthly rental housing subsidy para sa mga walang sariling bahay.
Sa ilalim ng House Bill No. 7230, ang itataguyod na Rental Housing Subsidy Program Act ay “shall provide social protection and support to ISFs in accessing the formal housing market under the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).” Ayon kay Romualdez, hindi lang ito basta tulong pinansyal kundi isang mahalagang hakbang para sa kaligtasan dahil “it shall be made an option to address the temporary relocation of displaced families due to natural and man-made disasters.”
Malaking tulong ito para sa mga pamilyang hirap makahanap ng matutuluyan habang naghihintay ng permanenteng relokasyon. Paliwanag ng House Leader, “Financial aid to low-income families or displaced individuals help afford decent housing in the rental market, acting as a flexible safety net when permanent solutions are not immediate. This gives better access to jobs/schools, and often serve as a bridge until permanent housing is available.”
Binigyang-diin naman ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, na co-author ng bill, na ang subsidy ay para sa mga pamilyang nakatira sa mga “danger areas” gaya ng mga estero, riles ng tren, at tabing-ilog. Ayon sa kanya, ang “rental housing subsidy” ay tumutukoy sa “financial assistance provided by the government to pay for the temporary use or occupancy of a residential unit in the public and private rental housing market.”
Para sa mga nasa Metro Manila, ang matatanggap na subsidy ay P3,500 kada buwan. Sa ibang rehiyon naman, “the rate shall be determined by the DHSUD and NEDA, taking into consideration the prevailing minimum wage and rental rates per region, but not to exceed P3,500 per month.”
Siniguro rin ni Acidre na magiging flexible ang programa dahil “The DHSUD and NEDA may revise the rates at any time, but not more often than once every two years, to conform with the prevailing economic conditions.”
Ang subsidy na ito ay magpapatuloy hanggang sa matapos ang permanenteng housing project para sa mga benepisyaryo. Bilang kondisyon, kailangang lisanin ng mga pamilya ang kanilang tinitirhang informal settlement at lumipat sa isang government-authorized area para masiguro ang kanilang seguridad at kaayusan.* (PR)




Comments