Pride of Leyte: PNPA Valedictorian mula sa Baybay City, sinaluduhan ni Romualdez; VSU, pinuri rin

Nagpaabot ng mainit na pagbati si Leyte Representative Ferdinand Martin G. Romualdez sa isang achiever mula saEastern Visayas matapos hirangin si Police Cadet Van Marie Editha Gundaya Cagasan bilang valedictorian ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Silang-Paglaom” Class of 2026. Ayon kay Romualdez, ang tagumpay ng kadete mula saBaybay City ay isang “proud moment” hindi lang para saprobinsya kundi para sa buong rehiyon.
“I extend my warmest congratulations to Police Cadet Van Marie Editha Gundaya Cagasan of Baybay City, Leyte, for emerging as the valedictorian of the Philippine National Police Academy ‘Silang-Paglaom’ Class of 2026,” pahayag niRomualdez. Binigyang-diin niya na ang feat na ito ay patunayng “excellence, discipline and character” na ipinamalas niCagasan.
Pinangunahan ni Cagasan ang kabuuang 326 na mga graduates, kung saan nakuha rin niya ang Presidential Kampilan Award, ang Chief, PNP Kampilan Award, at ang pagkilala bilang Best in General Education. Para kay Speaker Romualdez, hindi biro ang mga nakamit nitong awards.
“To lead a graduating class of 326 cadets is already an extraordinary distinction. To do so while receiving the Presidential Kampilan Award, the Chief, PNP Kampilan Award and recognition as Best in General Education makes her accomplishment even more meaningful, and all the more worthy of admiration from the people of Leyte and the rest of the country,” ani Romualdez.
Higit pa sa mga medalya, tiningnan ni Romualdez ang madamdaming kuwento sa likod ng tagumpay ni Cagasan. “What makes her story especially powerful is that it goes far beyond medals, rank and ceremony. Isa itong kuwento ng talino, tibay ng loob at pagmamahal sa pamilya,” dagdag ng House leader. Ayon sa kanya, ang pangako ni Van Marie sa kanyangnamayapang ina ang naging lakas niya sa gitna ng hirap ng buhay-cadet. “A promise to her late mother helped carry her through the hardest years of cadet life, and that private grief became the fuel for a very public triumph, one that now stands as an inspiration for young people in Leyte and across the country.”
Naniniwala si Romualdez na ang journey ni Cagasan ay simbolong resilience at determinasyon. “Van Marie’s journey gives people something deeper to hold on to because it shows what can rise from pain when it is met with resolve, faith and a sense of duty,” paliwanag niya. Aniya, ipinagmamalaki siya ng Leyte hindi lang dahil siya ang naging una sa klase, kundi dahil bitbitniya ang isang kuwento ng pagsisikap sa gitna ng pagsubok. “Leyte takes pride in her not only because she finished first, but because she carried to the top a story shaped by loss, perseverance and the quiet strength to keep moving forward when life became most difficult.”
Hindi rin kinalimutan ng House leader na kilalanin ang Visayas State University (VSU) na naging training ground ni Cagasanbago siya pumasok sa PNPA. Dati siyang kumuha ng BS Biotechnology sa VSU bilang isang Department of Agriculture scholar.
“I also extend my congratulations to Visayas State University, which helped shape Van Marie before she entered the academy,” sabi ni Romualdez. Para sa kanya, malalim ang kahulugan naang isang unibersidad na kilala sa agrikultura at siyensya ay nakapag-produce ng isang magiting na police officer. “There is something deeply meaningful in the fact that a university long known for agriculture and science also helped produce a future police officer whose life story now speaks of courage, duty and sacrifice.”
Pinuri rin ni Romualdez ang dedikasyon ng VSU sa paghubogng karakter ng mga estudyante. “Ipinapakita nito na kapagseryoso ang isang paaralan sa paghubog ng isip at pagkatao, ang naibibigay nito sa bayan ay hindi lang graduates kundi mga liderna may dangal, malasakit at puso sa paglilingkod.” Aniya, nararapat lamang kilalanin ang VSU sa patuloy nitong paggawang mga kabataang nagbibigay ng karangalan sa bansa.
Sa pagtatapos, sinabi ni Romualdez: “Sa tagumpay ni Van Marie Editha Gundaya Cagasan, nakita ng Leyte ang isang anak ng rehiyon na tumindig para sa pamilya, para sa paaralan at para sabayan. Sa tagumpay na ito rin, nakita ng bansa ang patunay naang VSU ay nananatiling pinagmumulan ng husay, dangal, at pag-asa.”*




Comments